Sa kanyang eulogy kagabi, Abril 20, 2025, para sa yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor, ikinuwento ni Director Joel Lamangan ang kanyang mga karanasan sa pakikipagtrabaho sa magaling na aktres.
Mula pa noong pareho pa lang silang mga aktor, hanggang sa unang pelikulang idini-direct na niya ito, ibinahagi ni Direk Joel ang mga pambihirang pagkakataong nakita niya ang kahusayan ni Nora.
Pati na rin ang paraan ng pakikitungo ni Nora sa mga tao sa set—sa crew, sa mga ekstra, maski na sa mga taong hindi sinasadya na nag-krus sa landas ng Superstar o nakakuha ng pansin nito.
Katulad ng pamimigay ni Nora ng pera sa mga presong nakaeksena sa The Flor Contemplacion Story, ang pagtulong sa isang manganganak na babaeng napadaan lang sa set ng pelikula niyang Bakit May Kahapon Pa?, at ang matandang namatayan ng kalabaw habang nagpapahinga sa isang puno sa set ng Sidhi.
Ayon kay Direk Joel, talagang likas kay Nora ang kabutihang puso para sa mga nangangailangan.
Pero isang tunay na nakapagpahanga sa direktor ay nung nagkatrabaho sila sa Himala ni Director Ishmael Bernal, ang yumao na ring mahusay na direktor at kapwa National Artist ni Nora.
Dalawang pagkakataon na napahanga nang husto si Direk Joel kay Nora sa Himala.
Una, nang hilingan niya itong patahimikin ang nagkakagulong mga talent o ekstra sa set.
Dala ng excitement na makita si Nora, hindi magkamayaw sa pagtili at pagsigaw ang mga tao—na kinuha para gumanap na mga deboto ng karakter ni Nora na si Elsa.
Ani Direk Joel, "Three-thousand five hundred na extra. Nung dumating si Ate Guy, nagtilihan, 'Ayan na, Ate Guy! Aaah!'
"Tatlong libong tumitili-tili! Sinabi ko talagang gano'n, 'Tse! Hindi kayo dapat tumitili. Dapat quiet!'
"'Ate Guy, Ate Guy..." lapit niya raw kay Nora, "Pa-quiet-in mo.
"Alam mo, maya-maya, pumunta siya sa mic, ang sabi niya lang, 'Shhhh...'"
Tumahimik na raw ang magulong crowd. "Tumahimik ang 3,500 people!
"Para siyang santa."
Isa pang eksenang nasaksihan niya sa set ng Himala ang siyang nakapagkumbinsi sa kanya na maging Noranian.
Panoorin ang video para malaman kung ano ang eksenang ito.
#joellamangan #noraaunor #pepvideo #pepcoverage
Video: Jerry Olea
Edit: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv
Read the latest in showbiz at http://www.pep.ph
Watch more videos at https://www.pep.ph/videos
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalertsViber: https://bit.ly/PEPonViber
Kumu: pep.ph
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts