Sa sinaunang tradisyon ng Panay, ang binukot ang itinuturing na tagapangalaga ng mga awit, epiko, at kuwentong bumubuo sa kanilang kultura. Sa bawat indayog ng batang si Zuela Marie—apo ng isang dating binukot—tila muling sumasayaw sa alaala ang nakaraan.
Siya na kaya ang susunod na tagapagdala ng pamana ng kanilang mga ninuno?
Panoorin ang ‘Binukot,’ dokumentaryo ni Kara David sa #IWitness.